Pinapurihan ni UP 茄子视频app (UPD) Tsanselor Edgardo Carlo L. Vistan II ang mga pinarangalan ng Gawad Tsanselor at tinawag na mga tunay na kinatawan ng nilinang sa kalinga, kaugnay sa tema ng Linggo ng Parangal ngayong taon.
Tinawag niya na mga ehemplo ng temang mga pinarangalan at mga 鈥渒ampeon ng unibersidad.鈥
Aniya, ang tema ng Linggo ng Parangal na nilinang sa kalinga ay isang paalala kung ano ba ang nagbibigay buhay at nagiging layunin ng isang kasapi ng UPD.
Binigyang-diin din ni Vistan ang halagahing (value) pagkalinga o kalinga.
Nurturing cannot happen without care. In this time of conflict and hardships, may the very significant examples of care [and] nurturing of our awardees inspire all of us as we deal with the various crises that are happening all around us,鈥 ani Vistan.
Labing-isa ang pinarangalan sa Gawad Tsanselor: walong indibidwal, dalawang programang pang-ekstensiyon, at isang organisasyon.

Sila ay kinilala sa kanilang ipinamalas na 鈥渕ga pagkilos at gawaing nakalapat sa mga makatotohanang danas ng mga komunidad sa kanilang pagsaloob sa hangarin ng Unibersidad na magsulong ng isang progresibong lipunan.鈥
Sa bawat kategorya ng Gawad Tsanselor, isa ang nakatanggap para sa Natatanging Lingkod Komunidad, Natatanging Kawani, at Natatanging Mananaliksik sa Filipino. Dalawa naman ang nakatanggap para sa mga kategoryang Natatanging Mag-aaral, Natatanging Programang Pang-ekstensiyon, Natatanging REPS, at Natatanging Guro.
Ang mga nagwagi ay iniharap ng mga bise tsanselor sa mga manonood ng programang Gawad Tsanselor habang ipinagkaloob naman ni Vistan ang kani-kanilang tropeo, sertipiko, medalyon, at salaping gantimpala.

Ang nagwagi para sa Natatanging Lingkod Komunidad ay ang pangkat ng Friends of Campus Animals (FOCA). Sila ay iniharap ni Jerwin F. Agpaoa, bise tsanselor para sa mga gawaing pangkomunidad.
Ang mga pinarangalan para sa Natatanging Mag-aaral ay sina Ancelmo Miguel M. Catalla ng Pambansang Kolehiyo ng Administrasyong Pangmadla at Pamamahala (National College of Public Administration and Governance /NCPAG) at John Erwin C. Larosa ng Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapaunlad ng Pamayanan (College of Social Work and Community Development / CSWCD). Sila ay iniharap ni Jose Carlo G. de Pano, PhD, bise tsanselor para sa mga gawaing pangmag-aaral.
Iniharap naman ni Adeline A. Pacia, bise tsanselor para sa administrasyon, si Cecile N. Sales ng Pambansang Linangan sa Pagpapaunlad ng Pagtuturo ng Agham at Matematika (National Institute of Science and Mathematics Education Development / NISMED), bilang nagwagi sa Natatanging Kawani.
Ang mga pinarangalan para sa Natatanging Programang Pang-ekstensiyon, Natatanging REPS, at Natatanging Mananaliksik sa Filipino ay iniharap ni Carl Michael F. Odulio, PhD, bise tsanselor para sa pananaliksik at pagpapaunlad.
Ang mga hinirang na Natatanging Programang Pang-ekstensiyon ay ang MSI Plastics Research Capacity Building Initiatives mula sa Kolehiyo ng Agham (College of Science / CS) at UP NISMED GeoGebra Education Program ng NISMED.
Ang mga tumanggap ng karangalang Natatanging REPS ay sina Eligio C. Obille Jr. ng NISMED at Maria Teresita F. Mendoza ng Opisina ng Pamamatnubay at Gabay (Office of Counseling and Guidance / OCG).
Hinirang naman na Natatanging Mananaliksik sa Filipino ay si Gonzalo A. Campoamor II, PhD ng Sentrong Asyano (Asian Center /AC).
Iniharap naman ni Maria Vanessa Lusung-Oyzon, PhD, bise tsanselor para sa mga gawaing akademiko, sina Jose Perico H. Esguerra, PhD at Noelynna T. Ramos, DSc kapwa mula sa CS, bilang Natatanging Guro.
Tatlo ang pinarangalan mula sa CS (isa mula sa Linangan ng Agham Pandagat, isa sa Pambansang Linangan ng Pisika, at isa sa Pambansang Linangan ng Heolohiko). Tatlo rin ang mula sa NISMED, habang isa naman ang pinarangalan mula sa NCPAG, CSWCD, AC at OCG.
Inalala rin sa palatuntunan ang mga namayapang mga kabahagi ng komunidad ng UPD. Pinangunahan ang pag-alaalang ito ni Direktor Arthur A. Gonzales III ng Opisina sa Pagpapaunlad ng Yamang Tao.

Sa pagwawakas, hinikayat ni Lusung-Oyzon ang lahat na ipagpatuloy ang paglinang ng mapagkalingang kultura sa UPD.
鈥淚 believe that the true foundation of our university鈥檚 excellence, the engine that drives the innovation and breakthroughs, is our culture of care in UPD. It requires to move beyond transactional interactions and practice transformational leadership where we see one another not as mere roles but as individuals with aspirations, challenges, and lives beyond the walls of UPD,鈥 aniya.
Bilang tagapangulo ng Tagapamahalang Komite para sa Linggo ng Parangal 2026, pinasalamatan niya ang lahat ng kabahagi ng taunang parangal.
Ang Gawad Tsanselor 2026 ay idinaos noong Mayo 8, 2 n.h. sa Awditoryum ng Linangan ng Biyolohiya. Ito ay masiglang pinadaloy ni Ton Clemente kung saan nagtanghal sina Marynor Madamesila, Raylan 鈥淣ico鈥 Julayco, Jezreel K. Lastra, Sandino Martin, Solaiman Jamisolamin, Mark Kevin P. Reginio, Althea Linelle D. Domingal, Kerr Allen Mangoma, at ang CMu Staff Shakers.
- Share: