茄子视频app

Research

UP 茄子视频app sa hugpungan ng akademya at katutubong pamayanan

Dinala ang palihan (writeshop) tungkol sa pananaliksik sa dunong katutubo (indigenous knowledge systems and practices o IKSP) sa 鈥渋nged鈥 (komunidad) mismo ng mga Erumanen ne Menuvu (vansa Derepuwanen at Pulangiyan/Ilyanen) ng Barangay Pangipasan, bayan ng Matalam, (North) Cotabato noong nakaraang Abril 26-27. Bahagi ito ng 鈥溾橲脡R脡PUNGAN:鈥 Research Training and Partnership Program in Philippine Studies鈥 na binuo ng ilang fakulti ng Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL) at Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (KAPP) noong 2019. Tugon ito sa paanyaya ng presidente ng Notre Dame of Midsayap College (NDMC) na si Fr. Jonathan Domingo, OMI upang pasiglahin ang kultura ng pananaliksik sa kanilang kolehiyo. Sa pangunguna ni Mary Jane Rodriguez-Tatel, PhD (bilang program leader), pinasimulan nina Nancy Kimuell-Gabriel, PhD, Galileo Zafra, PhD, Vicente Villan, PhD, Carlos Tatel Jr., PhD, at Vice-Chancellor for Academic Affairs Ma. Theresa Payongayong, PhD (bilang mga project leader) ang isang inobatibong paraan ng proyektong saliksik na naglalayong lumikha ng matagalang ugnayan sa katutubong pamayanan, lampas pa sa pananaliksik at publikasyon. 聽聽

Nangangahulugang pagtatagpo o salubungan ng iba鈥檛 ibang daloy ng ilog sa wikang Minenuvu, ang konseptong 鈥渟茅r茅pungan鈥漚ng bumabalangkas sa programa sa diwa ng tatluhang kolaborasyon sa pagitan ng UP 茄子视频app (UPD) faculty, NDMC, at ng Oblates of Mary Immaculate (OMI) Indigenous Peoples (IP) Mission School in Pangipasan. Alinsunod ang 鈥淪脡R脡PUNGAN鈥 sa prinsipyo ng Indigenous Research Methodology (IRM) na kumikilala sa mga katutubo o IP bilang kapwa-manlilikha (co-producer) ng kaalaman.聽聽

鈥淪脡R脡PUNGAN鈥 UP 茄子视频app Team: (mula sa kaliwa) Rodriguez-Tatel, Zafra, Tatel, Payongayong, at Kimuell-Gabriel, kasama si Nemenzo (pang-apat sa likuran mula sa kaliwa) at mga 鈥渒elukesan鈥 (clan elders) at ilang 鈥減akayan鈥 (clan leaders) ng mga Erumanen ne Menuvu ng Brgy. Pangipasan, Matalam, Cotabato. Larawang kuha ni Glenda Fugaban

Bagaman naantala bunsod ng pandemya, pinagpunyagian ng 鈥淪脡R脡PUNGAN鈥 na tapusin ang palihan sa pamamagitan ng isang 鈥渄inehey鈥 (dayalogo) sa komunidad. 聽Sa gitna ng malakas at matagalang buhos ng ulan na lalong nagpahirap sa pagbagtas ng daan patungong Pangipasan, matagumpay na nilahukan ang 鈥渄inehey,鈥漢indi lamang ng mga akademiko at gurong IP, kundi lalo na ng mga kinatawan ng 鈥減ekelukesan鈥/鈥渒elukesan鈥 (clan elders) at 鈥減ekayan鈥/鈥減akayan鈥 (clan leaders). Pinasigla ang pagtitipon ng presensiya ni UPD Chancellor Fidel Nemenzo bilang panauhing pandangal.聽聽

Mga kalahok na 鈥渒elukesan鈥 (elders) ng 鈥渧ansa鈥 Derepuwanen at Pulangiyen/Ilyanen ng mga Erumanen ne Menuvu, Brgy. Pangipasan, Matalam, Cotabato sa 鈥溾楽EREPUNGAN鈥: Research Training and Partnership Program in Philippine Studies.鈥 Larawang kuha ni Mary Jane Rodriguez-Tatel

Sa 鈥渄inehey鈥漬agkatipon at nagkaniig ang mga danas at tinig, nagpupunyaging tumugon sa hamon ng pagbawi at pagsagip sa gunita ng mga katutubong nakaugat sa lupa. Mistul脿ng pag-aalay ito ng akademikong kasanayan, kaalaman, at katutubong karunungan sa lugar na dati-rati鈥檡 pinag-aalayan, pinagdarausan ng ritwal 聽潭 聽ito naman ang sadyang ibig sabihin ng 鈥淧angipasan.鈥 聽聽聽

鈥淒inehey鈥 sa pagbuo ng paksang-saliksik (research topic) ng Pangkat 鈥淕uhuran鈥 (Kasaysayan) sa pangunguna ni Vicente Villan, PhD (dulong kanan), Bise Presidente ng NDMC, Engr. Ronniel Labio (pangalawa mula sa dulong kanan), at Timuay Paterno Magpangkat, tribal chieftain ng mga Erumanen ne Menuvu ng Brgy. Pangipasan (dulong kaliwa), kasama ang ilang guro ng NDMC at OMI IP Mission School in Pangipasan. Larawang kuha ni Glenda Fugaban

Kung tutuusin, pagpapatuloy lamang ang 鈥淪脡R脡PUNGAN鈥 ng naunang palihan at research fellowship sa pagitan ng UPD at Notre Dame University (NDU) ng Cotabato City mula 2017 hanggang 2019. Sa inisyatiba ni Obispo Charlie Inzon, OMI, na noo鈥檡 presidente ng NDU, inanyayahan niya ang mga nasabing fakulti upang pasimulan ang planong pagtatatag ng isang sentro ng pananaliksik para sa mga IP ng Mindanao. Aniya, 鈥淧anahon na para tumutok naman sa mga Lumad.鈥 Sila, diumano, ang babalanse sa kabuuang larawan ng isinusulong na 鈥渢ri-people ethos鈥 (Kristiyano-Moro-Lumad) ng rehiyon. Mula sa mga Teduray at Lambangian ng Upi, Maguindanao, dumaloy ang direksiyon ng saliksik patungong Erumanen ne Menuvu ng Cotabato. Subalit sa pagkakataong ito, kinikilala sila hindi na lamang bilang paksa o mga impormante, kundi kapwa-mananaliksik. Ang pantay na pagkilalang ito ang sinasandigan ng katagang 鈥渟茅r茅pungan.鈥 Maladaloy ng ilog ang ugnayan sa 鈥淪脡R脡PUNGAN.鈥 Isang dinamikong proseso ng pagkatuto ang binibigyang-daan mula sa 鈥減erindinehey鈥 (bahaginan) ng dunong at danas ng akademya at katutubong pamayanan. Pumapasok ang mga kalahok sa isang resiprokal at dayalohikong ugnayan. Sama-samang natututo at nagtuturo sa isa鈥檛 isa alinsunod sa katutubong prinsipyo ng 鈥渓ama-lama鈥(pagbibigay-tinig sa bawat kalahok). Sama-sama rin ang pananaliksik at pag-aakda batay sa 鈥渁dat鈥(respeto)聽 潭 聽ang sandigan ng kultural na protokol ng komunidad. Sa pagsalubong sa mga kalahok, malalim at nanunuot sa kaibuturan ang mensahe ni Fr. Stephen 鈥淏ambam鈥 Calungsod Ondoy, OMI, kasalukuyang direktor ng IP Mission School sa Pangipasan. Aniya (sa pagsipi kay Pope Francis), 鈥淜ailangang mag-ugat o maiugat sa lupa ang kaalaman upang mamunga nang sagana.鈥 At ang mga katutubo sa kanilang pagkakaugat sa lupang tinubuan ang makapagpapa-unawa nito sa atin nang lubusan.

  • Share:
Tags: