茄子视频app

Statements

Statement of the UP 茄子视频app College of Social Work and Community Development on the Unjust and Illegal Arrest of Agnes Tadeo Mesina

Hands off our Development Workers!

Ang Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapaunlad ng Pamayanan, sampu聽ng kanyang mga guro, kawani at mag-aaral ay nagkakaisa sa pagkondena sa聽hindi makatarungan at iligal na pag-aresto kay Agnes Mesina at kanyang mga聽kasamahan, at sa tahasang panggigipit at pagpatay sa mga development workers聽at human rights defenders tulad ng tinaguriang New Bataan 5.

28 Pebrero 2022, bandang 7:00 NC, inaresto si Agnes Mesina habang kumakain sa聽isang karinderya sa Aparri, Cagayan dahil sa isang kaso na pinawalang-bisa na ng聽korte noon pang 12 Hulyo 2021. Si Agnes Mesina ay nasa Cagayan upang聽magsagawa ng community outreach at fact-finding mission para sa mga聽pamayanang Agta na biktima ng walang habas na pambobomba na militar sa聽Conzaga, Cagayan. Bandang 11:30 NC, si Agnes Mesina ay pinalaya mula sa聽kustodiya ng mga pulis.

Walang duda, ang pag-aresto kay Agnes Mesina ay isang anyo ng panggigipit sa聽mga development workers na kadalasang pinaghihinalaan o inaakusahang kasapi聽ng mga rebeldeng grupo na walang sapat na batayan. Hindi ito makatarungan.聽At batay sa karanasan mula sa New Bataan 5, Bloody Sunday at Human Rights聽Day 7, ito rin ay lubhang mapanganib at nakamamatay.

Naniniwala ang Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapaunlad ng聽Pamayanan na ang aktibismo ay hindi terorismo at may mahalagang gampanin聽ang maa development workers lalo na sa paghahatid ng tulong, kaalaman at聽kasanayan sa mga pamayanang nasa laylayan at pinagkakaitan ng kanilang聽karapatan. Nananawagan kami sa mga kinauukulan na kilalanin at igalang ang聽mahalagang gampanin ng mga development workers sa pagpapaunlad ng mga聽pamayanan at ang karapatan nilang makipagtuwangan sa mga maralitang sektor聽ng ating lipunan nang walang takot at pangamba sa banta ng pang-aabuso, hindi聽makatarungang pagpapakulong o kamatayan. Nananawagan din kami sa mga聽awtoridad na panagutin ang mga nagsagawa ng ilegal na pag-aresto.


Source:

  • Share: